Isang ginang ang walang awang binaril sa tabi ng kanyang kabiyak at anak sa isang liblib na lugar sa Barangay Sapakan sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Biyernes, October 10, 2025.

Sa ulat ng mga kinauukulan, magkasama sa isang tricycle sina Guiania Mantikayan Mudal, ang kanyang minister na si Abedin Mudal at kanilang tatlong-taong gulang na anak ng sila ay paputukan ng pistol ng isa sa dalawang mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo na nakabuntot sa kanila.

Ayon sa mga imbestigador mula sa Radjah Buayan Municipal Police Station, si Captain Joel Lebrilla, tinangka ding barilin ng armadong motorista ang mister ni Mudal ngunit pumalya ang kanyang baril at hindi pumutok.

Mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay Mudal ayon sa mga barangay officials at mga operatiba ng Radjah Buayan Municipal Police Station na nag-responde sa insidente.

Ang napaslang na si Mudal at kanyang pamilya ay mga residente ng Barangay Damatulan sa bagong tatag na bayan ng Nabalawag sa Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato. (October 11, 2025, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur, Bangsamoro Region)