Binigyang halaga ng isang barangay government sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato ang walang tigil na pagtulong ng isang pribadong mining company para sa ikakabuti ng mga residente ng naturang bayan.
Naiulat ng mga media outfits sa Central Mindanao nitong Huwebes, May 3, 2025, na nagpasa nitong March 5, 2025 ng isang barangay resolution ang barangay government ng Albagan sa Tampakan sa South Cotabato na nagpapasalamat sa Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala na SMI, sa patuloy na suporta nito sa edukasyon ng mga mahihirap na residente ng naturang barangay bilang isa sa mga humanitarian programs nito.
Kontratado ng national government ang SMI na mag-operate ng Tampakan Copper-Gold Project sa mga Blaan ancestral lands sa Tampakan. Ang proyekto, hindi pa nagsisimula, ay may lubos na pahintulot ng Blaan tribal council sa Tampakan na nais ipa-mina ang mga copper at gold deposits sa kanilang bayan tanging sa SMI lamang.
Magsisimula ang operation ng SMI sa Tampakan sa 2026. Bagama’t hindi pa ito nakakapagsimula ng operasyon, nakatulong na ang SMI sa pagpapatapos, nitong nakalipas na walong taon, ng mahigit 800 na na mga college students sa pamamagitan ng scholarship project nito para sa mga estudyanteng mula sa mga mahihirap na mga pamilyang mga Blaan at non-Blaan setters sa Tampakan, sa Columbio, Sultan Kudarat, sa Malungon, Sarangani, at sa Kiblawan, Davao del Sur.
Ang March 5, 2025 resolution ng barangay government ng Albagan na nagpapasalamat sa SMI, nilagdaan ng punong barangay at council presiding officer na si Jito Suhot, ay nagsaad ng ganito: “The scholarship program provided a valuable opportunity for students within the Barangay to receive financial assistance, contributing to their academic success and future development.”
Ang naturang resolution, ayon sa mga Albagan barangay leaders, ay bilang malugod nilang pasasalamat sa SMI sa walang tigil na suporta nito para sa edukasyon ng mga anak ng mga mahihirap na sakop nila. (May 3, 2025)