Mga election-related na kaguluhan sa
Dalawang grupo ang nasabat nitong umaga ng Lunes, May 12, 2025, araw ng halalan, ng mga pulis at sundalo sa Buluan sa Maguindanao del Sur — isa mga diumano flying voters at ang isa may mga dalang armas sa kanilang sasakyan.
Ito ay kinumpirma ng mga officials ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng mga Army units sa Buluan na siyang kabisera ng Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga kinauukulan, galing sa labas ng Buluan, na provincial capital ng Maguindanao del Sur, ang mga naarestong flying voters.
Ang isa pang grupo na nadetine ay may dalang mga armas at pampasabog sa kanilang sasakyan, ayon sa ulat ng pulisya at militar.
Ayon sa mga saksi, kanilang pinaputukan ang convoy ng kandidato for provincial vice governor ng United Bangsamoro Justice Party, si Hisham Nando, habang patungo ito sa hindi kalayuang bayan ng Datu Paglas, Maguindanao del Sur. Agad silang hinarang ng mga pulis at mga sundalo at nakunan sila ng mga armas at mga pampasabog.
Nasa kustodiya na ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office ang dalawang mga grupo, ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region. (May 12. 2025)