Agad na kinumpiska ng tropa ng 7th Infantry Battalion ang iba’t-ibang mga armas pandigma na nakasilid sa isang sako na kanilang natagpuan sa isang abandonadong compound sa Barangay Lagandang sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Lunes, July 28, 2025.
Ang sako ay may lamang dalawang long-range caliber .50 bolt-action sniper rifles, isang M79 grenade launcher, tatlong mga anti-tank rocket launchers at isang B-40 anti-tank rocket, ayon sa ulat ng 7th IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Tristan Rey Vallescas.
Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Michael Santos, commander ng 603rd Infantry Brigade, nagpapatrolya ang mga tropa ng 7th IB ng kanilang napuna ang sakong may laman na mga armas ng kanilang siyasatin ang kapaligiran ng abandonadong compound sa Sitio Kimondo sa Barangay Lagandang sa bayan Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat province.
Nasa kustodiya na ng 7th IB ang mga armas pandigma, ayon kay Santos. (July 29, 2025, Sultan Kudarat Province, Region 12)