Isang mini dump truck ang bumaliktad sa Barangay Guimbalaon sa Silay City nitong umaga ng Biyernes, June 27, 2025, at apat na sakay nito diumano ang nasawi, makikita sa larawan na nagkalat sa highway.

Ayon sa mga inisyal na ulat, mga barangay health workers mula sa iba’t-ibang barangay sa Silay City ang sakay ng dump truck, patungo sa isang lugar.

Apat sa kanila ang naiulat na nasawi, ayon sa mga lokal na kinauukulan.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Silay City Police Office hinggil sa insidente. Abangan ang dagdag pang detalye tungkol dito. (June 27, 2025, handout photo)