Dalawang mga batang magkapatid ang kasamang nasunog ng kanilang munting bahay Barangay Lower Rubia sa Sinacaban sa Misamis Occidental nitong Lunes, June 23, 2025.

Malayo sa mga kapitbahay ang nasunog na munting barong-barong ng mga biktima na gawa lang sa mga dingding na sawali at sahig na tabla.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga barangay officials sa Lower Rubia at ng mga kawani ng Sinacaban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, iniwan ng mga magulang ang dalawang mga bata sa bahay na nakakandado ang pinto dahil may pupuntahan sila sa kabilang ibayo.

Posibleng isang gasera na nakasindi ang siyang pinagmulan ng sunog na tumupok sa kanilang bahay, ayon sa mga kinauukulan.

Nangako na ayuda sa pagpapalibing ng dalawang mga batang natupok ang municipal government ng Sinacaban. (June 24, 2025)