Patay ang mag-asawang mangagawa sa isang sugarcane farm ng tambangan mga armadong kalalakihan sa Barangay Kalasihan sa Lantapan, Bukidnon nitong hapon ng Martes, June 6, 2025.

Kinumpirma nitong Sabado ni Captain Sheila Joy Hangad ng Lantapan Municipal Police Station na agad na namatay sa mga tama ng bala ang mag-asawang si Jayme Dipus, 58-anyos at ang kanyang kabiyak na si Helen na magkaangkas sa isang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga lalaki sa Sitio Tigbi sa Barangay Kalasihan na mabilis na nakatakas.

Ayon kay Hangad, limang mga basyo ng .45 caliber pistol ang natagpuan sa lugar kung saan tinambangan ang mag-asawa. May mga tama ng bala sa ulo ang mga napaslang na mag-asawa, ayon kay Hangad.

Pauwi na sa kanila mula sa trabaho ang mag-asawang plantation workers ng tambangan ng mga mga lalaking mabilis na nakatakas gamit ang isang motorsiklo. (June 7, 2025, handout photo)