Napatay ng mga pulis at mga tropa ng Philippine Marines sa isang engkwentro ang isang diumano killer-for-hire habag sugatan naman ang kasama nito matapos silang namaril ng dalawang tao sa Barangay Poblacion 4 sa Cotabato City nitong gabi ng Miyerkules, June 18, 2025.
Kinumpirma ni Col. Jibin Bongcayao, director ng Cotabato City Police Office, ang pakakasugat nila Abdulhaq Umal, 41-anyos, at ang 46-anyos na si Niño Galimba na pinagbabaril ng dalawang motoristang salarin na nanlaban ng aarestuhin sana ng mga pulis at mga tropa ng Marine Battalion Landing Team 5 na magkasamang nag responde sa insidente.
Napatay ng mga pulis at Marines sa naturang shootout ang isa sa mga sinasabing hired killer at naaresto naman ang kasama nitong si Homidie Saptula Salipudin, 24-anyos, ngayon nasa kustodiya na ng pulisya.
Ayon kay Bongcayao, inaalam pa ng kanilang mga imbestigador ang exact identify ng napaslang na kasama ni Salipudin.
Nakumpiska ng mga pulis at Marines mula sa dalawang suspects ang dalawang .45 caliber pistol at ang kanilang motorsiklong Yamaha NMax na may temporary na plakang 1201-621459. (June 18, 2025)
