Isa ang agad na namatay habang isa din ang malubha ng ng masapol ang kanilang motorsiklo ng isang sasakyan sa Barangay Kalandagan sa Tacurong City nitong hapon ng Lunes, June 16, 2025.

Sa inisyal na ulat ng Tacurong City Police Station, magkaangkas sa motorsiklo sina Atok Mohammad, residente ng Barangay Simuay sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at si Jamil Mohammad na taga Purok Katilingban sa Kalandagan, Tacurong City.

Nasapol diumano ng isang sasakyan ang kanilang motorsiklo na mabilis na nakatakas.

Isa sa dalawang biktima ang agad na nasawi sa insidente, ngunit hindi muna ibinunyag ng mga kinauukulan pansamantala habang hindi pa naabisuhan ng pamilya nito hinggil sa kanyang sinapit. (June 17, 2025, handout Facebook image, Radyo Kidlat Sukelco)