Gilid ng police outpost sa Isabela City, Basilan, binomba

Isang pulis ang sugatan sa malakas na sabog ng improvised explosive device na nilagay sa isang police detachment sa Barangay Sunrise sa Isabela City sa Basilan nitong gabi ng Linggo, September 29, 2024.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Isabela City Police Station, ng Basilan Provincial Police Office kung sino ang responsable sa naturang pambobomba na nagdulot ng panic sa mga residente ng Barangay Sunrise sa Isabela City, isa sa dalawang lungsod sa Basilan sa Bangsamoro region. (SEPT. 30, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *