Isang lalaki ang napatay ng dalawang motoristang armado ng mga pistol habang karga nito ang kanyang apo sa gilid ng F. Ligason Street sa Barangay Bool sa Tagbilaran City sa probinsya ng Bohol nitong umaga ng Sabado, June 28, 2025.
Sa inisyal na ulat ng Tagbiliran City Police Office, mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Rodelito Basillote Tanyo, na agad na namatay sa mga tinamong mga tama ng bala sanhi ng pagbaril sa kanya ng naturang mga salarin.
Nakaligtas naman sa naturang panambang ang apo ng biktima na maagap na nasagip ng mga nakasaksi sa krimen.
Nagsasagawa na ng malawakang search operation ng mga kasapi ng Tagbiliran police force upang matunton at maaresto ang mga motoristang pumatay kay Tanyo. (June 28, 2025, handout photo)
