Nabalot ng pangamba ang Pamucutan Elementary School sa lungsod ng Zamboanga matapos umanong makatanggap ng bomb threat mula sa isang chat message na ipinadala sa KK President ng paaralan.
Ayon sa ulat, agad na nagpatupad ng precautionary measures ang punong-guro upang masigurong ligtas ang mga mag-aaral at guro. Kaagad ding inalerto ang mga awtoridad.
Agad na nagsagawa ng masusing inspeksyon ang mga pulis sa loob at paligid ng paaralan. Wala namang natagpuang kahina-hinalang bagay o anumang ebidensiyang magpapatunay sa naturang banta.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensya upang matukoy ang pinagmulan at kredibilidad ng nasabing bomb threat.
