Patay agad sa mga tama ng bala ang isang engineer sanhi ng ambush sa isang mataong lugar sa Cotabato City nitong hapon ng Martes.
Minamaneho ni Engineer Israel Abas Angas ang kanyang Toyota Fortuner na kulay puti ng siya ang tambangan ng mga armadong motorista na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Naganap ang insidente sa mataong bahagi ng Nayon Shariff Area sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City, nagsanhi ng panic sa mga tao na nasa kapaligiran.
Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Cotabato City Police Office kung sino ang mga responsable sa pag-ambush kay Angas at kung ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen.
Mahigit 20 na ang mga napatay sa pamamaril sa Cotabato City nito lang nakalipas na apat na buwan. (Feb. 26, 2025)