Patay sa mga tama ng bala ang isang driver, si Zaling Desalia, 51, anyos, biktima ng pamamaril nitong hapon ng Lunes sa Barangay Kalawag Dos sa Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat.
Naglalakad lang si Desalia, residente ng Tacurong City, sa gilid ng highway ng lapitan ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo at agad na pinagbabaril ng .45 caliber pistol.
Mabilis na nakatakas ang mga pumatay ka Desalia na pagmamaneho ng sasakyan ang ikinabubuhay ayon sa mga kakilala. (February 10, 2025, handout photo)