Dalawang lalaki ang nakulong dahil sa pag-display ng mga baril na animo may babarilin nitong Sabado sa Sitio Kawayan sa Barangay Lunoy sa Bais City, Negros Oriental.

Agad na naaresto ng mga kasapi ng Bais City police force ang dalawa matapos mag-ulat ang mga residente ng Sitio Kawayan sa Barangay Lunoy hinggil sa kanilang presensya at pananakot ng mga taga roon.

Ang dalawang suspects ay nakumpiskahan ng dalawang mga walang lisensyang .45 caliber pistol.

Nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag ng gun ban na patuloy na ipinapatupad ng Commission on Elections kaugnay ng May 12, 2025 elections at illegal possession of firearms. (June 2, 2025)