Isang babaeng civil engineer na contractor ng mga infrastructure projects ang nagtamo ng maselang mga tama ng bala sa katawan sanhi ng ambush sa Barangay San Marcelino sa Dingras, Ilocos Norte nitong Biyernes, September 26, 2025.

Natagpuang duguan, walang malay ang babaeng engineer sa driver’s seat ng kanyang cargo-type Mitsubishi L-300 na nagawi sa gilid ng highway nang siya ay mawalan ng control ng manibela dahil sa mga tinamong tama ng bala.

Agad naman siyang isinugod sa isang hospital upang malapatan ng lunas. Limang basyo ng .45 caliber pistol ang natagpuan ng mga police investigators at forensic experts na nagresponde sa insidente.

Nagtutulungan ang mga officials ng Dingras Municipal Police Station at Ilocos Norte Provincial Police Office sa pagkilala kung sino ang mga responsable sa naturang krimen upang malapatan ng mga kaukulang mga kaso. (Dingras, Ilocos Norte, September 27, 2025, handout Facebook image)