COTABATO CITY (December 10, 2025) —-Nagsama-sama ang maraming mga residente ng 16 sa 37 na mga barangays sa Cotabato City sa isang clean-up drive noong umaga ng Linggo, December 7.
Mismong mga community leaders sa naturang 16 na mga barangays ang nag-ulat sa mga reporters sa Cotabato City nitong Martes, December 9, na katuwang nila at ng mga residenteng lumahok sa clean-up drive ang public service team ng tanggapan ng abogadong si Naguib Sinarimbo na miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Unang naging BARMM local government minister si Attorney Sinarimbo bago itinalagang member of parliament ng autonomous region ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong March 2025.
Ayon sa mga barangay officials sa 16 na mga barangays na saklaw ng joint clean-up drive nila, ng mga residente at ng tanggapan ni Member of Parliament Sinarimbo, na suportado din ni BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua, tumanggap ng 803 relief packages, may kasamang bigas at iba pang mga food supplies, ang mga pamilyang lumahok sa aktibidad.
Galing sa BARMM Rapid Emergency Action on Disaster Incidence, mas kilala na BARMM READi, at sa tanggapan ni Member of Parliament Sinarimbo ang naturang mga pinagsamang relief supplies na hayagang ikinatuwa ng mga nakatanggap.
Marami sa mga residente ng 16 na barangays kung saan isinagawa nitong Sabado ang clean-up drive ang tiniyak ang kanilang kahandaan susuportang muli sa susunod pang mga katulad na mga aktibidad ng public service team ng tanggapan Member of Parliament Sinarimbo at ni Macacua.