Apat na araw bago ang halalan 2025, isang barangay chairman ang pinaslang matapos na pagbabarilin ito ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin habang papasok sa Baranga Hall sa Barangay 2 sa Enrile, Cagayan nitong Biyernes ng hapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 2, kinilala ang nasawing biktima na si Brgy. Chairman Bernardo Gacuan, 72-anyos ng naturang barangay.

Ang biktima ay mabilis na isinugod sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City, Cagayan pero idineklarang dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-2:20 ng hapon nitong Biyernes, habang papasok sa Barangay Hall ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang riding- in-tandem at agad na pinagbabaril ang target na duguang napalupasay sa insidente.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspect sakay ng pinaghalong asul at itim na Aerox motorcycle na walang plaka.

Ayon sa ilang saksi sa pangyayari, ang gunman ay nakasuot ng long-sleeved na kulay itim at kulay abong pantalon habang ang driver ng motorsiklo ay nakasuot ng kulay itim na jersey na pang-itaas at kulay itim na pantalon. (Pilipino Star Ngayon, May 11, 2025, Joy Cantos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *