Mahigit 7,000 na pamilya na ang naitalang apektado ng pagbaha sa maraming mga lugar sa probinsya ng Maguindanao del Sur.
Ito ay ayon sa mga ulat ng mga local government units at ng regional agencies ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ng Office of Civil Defense-BARMM.
Apektado ng pagbaha ang maraming mga barangay sa Datu Abdullah Sangki, Shariff Aguak, Datu Saudi Ampatuan, Datu Piang at Datu Salibo, na hindi kalayuan sa 220,000-hectare na Liguasan Delta na catch basin ng tubig mula sa malalaking mga ilog sa mga kabundukan ng mga probinsya ng Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at Bukidnon.
Nakunan ng mga larawan ng OCD-BARMM ang mga apektadong lugar sa pagtutulungan ng mga opisyal nito at ng Tactical Operations Group 12, ayon kay Director Joel Mamon ng OCD-BARMM.
Naghahanda na ang Ministry of Social Services and Development-BARMM na magpaabot ng ayuda sa mga binahang mga residente ng mga bayan sa Maguindanao del na binaha. (May 20, 2025, handout photo)