
Pangatlo sa magkapatid na inanod ng baha sa Maguindanao del Norte, natagpuang patay
Natagpuan bandang takipsilim nitong Biyernes, July 11, 2024, ng rescuers ang bangkay ng piton-taong gulang na si Razul Bitul na tinangay, kasama ang kanyang mga kapatid na si Norhaina at Norhaine, ng rumaragasang baha na tumama sa kanilang barangay sa Matanog, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Martes, July 9, 2024.