Apat katao ang nasaktan ng gumulong at lumagpak ng patagilid ang kanilang sinasakyang kotse sa Cabaluay sa Zamboanga City kamakalawa.
Ayon sa mga saksi, may kabilisin ang takbo ng kotse ng lumihis, nagawi sa gilid ng highway, gumulong at lumagpak sa tapat ng isang bahay.
Agad namang naisugod ng mga emergency responders ang mga sakay nito sa isang pagamutan upang malapatan ng lunas. (June 1, 2025, handout photo)
