Isang van-type six-wheeler truck ang sumemplang at lumagpak ng patagilid sa highway sa Bonifacio, Misamis Occidental nitong hapon ng Miyerkules, May 7, 2025.
Galing ng Mahayag, Zamboanga del Sur and naturang truck at patungo sana ng Ozamis City ng nawalan diumano ng control ang driver dahil sa biglang pagkasira preno nito kaya naganap ang aksidente.
Nagtamo ng mga galos at pasa sa katawan ang driver ng truck at ang kanyang helper na maagap namang naisugod sa pagamutan ng mga emergency responders ng Bonifacion local government unit. (May 7, 2025, handout photo)