Nagtamo ng maselang mga sugat at pasa sa katawan ang isang driver at kasama nito ng magkabanggaan ang kanilang delivery van at kasalubong na van sa isang bahagi ng Cotabato-Kidapawan Hghway sa Pagangan sa bayan ng Aleosan sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Huwebes, June 19, 2025.
Sa inisyal na ulat ng pulisya at barangay officials, Patungo sa isang bayan sa Cotabato ang van na may kargang mga ready-to-wear na mga damit na ihahatid sana isang contact sa probinsya ng biglang pumutok ang isang front tire nito kaya lumihis at nasapol ang kasalubong na van na patungong Cotabato City.
Naisugod naman agad sa pagamutan ang driver ng delivery van at kasama nito upang malapatan ng lunas. (June 19, 2025)
