Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 60-anyos na nanay nang pagsasaksakin ng sariling anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Matanag, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga kapitbahay sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay sanhi ng malalim na mga saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si Rosalia, maglalako ng gulay at residente ng naturang lugar. Nahaharap sa kaukulang kaso ang arestadong suspek na si Ter, 26-anyos.

Sa ulat, alas-11 ng gabi inaayos ng biktima ang panindang gulay na ilalako kinabukasan nang biglang bumangon ang natutulog na suspek. Sa hindi malamang dahilan ay kinuha nito ang kutsilyo na nakapatong sa upuan at walang kaabog-abog na pinagsasaksak ang ina.

Wala namang nagawa ang tatay na may kapansanan at isang kapatid na babae habang nagaganap ang pananaksak. (From Pilipino Star Ngayon, May 8, 2025, Jorge Hallare)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *