Abot sa 58 na mga batang mula sa mga mahihirap na pamilya ang natuli ng libre sa magkatuwang na relief mission sa Kabacan, Cotabato nitong Sabado, May 31, 2025, ng tanggapan ng regional health minister ng Bangsamoro region, ang physician-ophthalmologist na si Kadil Monera Sinolinding, Jr., ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua at ng mga pribadong humanitarian entities.

Malaking bilang ng mga batang natuli ay mula sa mga Bangsamoro barangays na naka-grupo bilang Special Geographic Area, o Bangsamoro-SGA, na nasa ibat-ibang bayan ng Cotabato province sa Region 12, ngunit sakop ng regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Si Health Minister Sinolinding ay miyembro din ng BARMM parliament, bilang dagdag na katungkulan batay sa appointment ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Isinagawa ang Operation Tuli, na nakapagsilbi sa 58 na mga batang Muslim at Kristiyano, sa parliament extension office ni Health Minister Sinolinding sa Kabacan.

Suportado ang naturang outreach mission ng mga kawani ng Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan at ng iba pang mga private public service organizations. (June 1, 2025)