GENERAL SANTOS CITY (August 23, 2025)— Limang mga lalaki ang agad na inaresto ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 sa isang entrapment operation mismo sa kanilang drug den sa Barangay Fatima sa General Santos City nitong tanghali ng Biyernes, August 22, 2025.
Sa ulat ng mga barangay leaders at city officials, nakunan ng mga PDEA-12 agents at mga pulis ng walaong gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P54,000, ang limang mga lalaking suspects, dalawa sa kanila magkatuwang sa pamamalakad ng isang drug den sa Barangay Fatima.
Sa ulat nitong Sabado ni Benjamin Recites III, director ng PDEA-12, ang naarestong dalawang drug den operators ay nagsasagawa ng mga pot sessions para sa mga dayong bumibili sa kanila ng shabu.
Ayon kay Recites, agad na inaresto ng PDEA agents at mga pulis ang mga suspects matapos silang bentahan ng mga ito ng walong gramong shabu sa kanilang drug den sa Barangay Fatima.
Naikasa ng PDEA-12 ang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkaaresto sa apat na suspects sa tulong ng General Santos City Police Office at ng mga units ng Police Regional Office-12 na pinamumunuan ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz.