Arestado ang limang individual na magkasabwat sa pamamalakad ng isang drug den, na-entrap ng mga mga agents ng Philippine Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga pulis mismo sa kanilang hideout sa Barangay Rosary Heights 6 sa Cotabato City nitong Miyerkules, September 10, 2025.
Kinumpirma ng mga city officials at mga kawani ng Cotabato City local government na nakadetine na ang mga suspects na sina Romeleo Apolinario, Prince Bryle Daniel, Mujiv Sameer Benito Datu Cali, Nur Esmael Sulaiman Gampong at Saod Bidara, naaresto sa naturang entrapment operation na sinuportahan mismo ng Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.
Sa mga inisyal na ulat ng tanggapan ng Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, ng Cotabato City Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na pumalag ang limang suspect ng arestuhin ng mga hindi unipormadong anti-narcotics agents na kanilang nabentahan ng P40,800 na halaga ng shabu sa kanilang drug den sa gilid ng Rosales Street sa Barangay Rosary Heights 6.
Natagpuan ng magkasanib na mga operatiba PDEA-BARMM, ng Police Drug Enforcement Group-Special Operation Unit sa Bangsamoro region, mga kasapi ng ibat-ibang units ng Cotabato City Police Office, pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao, sa drug den ng limang suspects ang mga gamit pangsinghot ng shabu at mga mobile phones na may mga numero ng kanilang mga binebentahan ng illegal na droga at marijuana.
Ayon kina PDEA-BARMM Regional Director Castro at Bongcayao, nakadetine na ang limang suspects, sasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (September 11, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)