GENERAL SANTOS CITY (August 23, 2025) Limang mga sakay ng isang maliit na sasakyang pandagat na lumubog sa karagatan ng Tawi-Tawi nitong Biyernes, August 22, 2025, sanhi ng malalaking alon, ang maagap na na-rescue ng emergency responders at nailikas sa ligtas na lugar.

Sa ulat nitong Sabado, August 23, 2025, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na naiahon at nailigtas sa pagkalunod sina Abdulbasit Ismael, Alrafy Harun, Abiqatada Maring, Butchoy Bara at ang operator ng sasakyang pandagat na lumubog, si Alsappa Gayong, ng mga rescuers na tumugon sa insidente.

Lumubog ang kanilang maliit na sasakyang pandagat sa pagitan ng mga isla ng Latuan at Mantabuan sa Tawi-Tawi, isa sa limang probinsya na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Patungo noon sina Ismael, Harun, Maring, Bara at Gayong sa poblacion ng Sapa-Sapa upang dumalo sana sa isang Islamic religious event sa isang covered court sa sentro naturang bayan.

Ayon sa director ng PRO-BAR, si Police Brig Gen, Jaysen De Guzman, nagtulungan sa pag-rescue sa kanilang lima ang mga kasapi ng Sapa-Sapa Municipal Police Station, ang mga kawani ng Sapa-Sapa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at mga tropa ng isang unit sa naturang bayan ng Philippine Marines.
Ang na-rescue na si Maring, nagtamo ng sugat sanhi ng insidente, ay agad na naihatid sa Tuan Ligaddung Lipae Memorial Hospital upang malapatan ng lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *