Apat na kasapi ng 28th Infantry Battalion ang sugatan sa kanilang palitan ng putok sa isang grupo ng New People’s Army sa Barangay Hagpa sa Impasug-ong, Bukidnon nitong Biyernes, May 23, 2025.

Kinumpirma nitong Linggo ni Army Major Gen. Michele Anayron, Jr., commander ng 4th Infantry Division, na apat na sundalo ang sugatan sa insidente, nagpapagaling na sa isang hospital.

Pinuri nitong Linggo ni Anayron ang mga sugatang sundalo, kasabay ng pagtitiyak ng sapat na ayudang kanilang kailangan habang ginagamot sa hospital ang kanilang mga sugat.

Sa ulat ng local executives at mga leaders ng mga etnikong grupo sa Bukidnon, sumiklab ang engkwentro ng paputukan ng mga NPA ang mga sundalong ipinadala sa Barangay Hagpa upang magsiyasat mga ulat hinggil sa kanilang presensya sa naturang lugar, sapilitang nanghihingi ng pera at bigas sa mga walang kalaban-labang mga residente.

Iniulat ng mga leaders ng mga tribal groups at ilang miyembro ng Impasug-ong Municipal Peace and Order Council na apat na mga mga NPAs, nakilala lang sa mga pangalang Ruben, Mario, Ariel at Sandro, ang nagtamo din ng mga tama ng bala sanhi ng naturang encounter.

Nakitang akay-akay ang apat na sugatang mga NPA ng kanilang mga kasama sa kanilang pagtakas ng mapunang napapalibutan na sila mga sundalong ipinadala sa Barangay Hagpa upang itaboy sila. (MAY 25, 2025)