Nagalak ang mga local officials sa tatlong bagong tatag na Bangsamoro municipalities sa probinsya ng Cotabato sa pag-rasyon ng tanggapan ni Bangsamoro parliament member Kadil Sinolinding, Jr. ng mga pagkain para sa mga buntis at mga bata mula sa mga barangays na sakop nila.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng outreach missions ang mga batang malnourished, isang health condition sanhi ng kakulangan ng sapat na pagkaing masustansiya.
Magkasunod na nagsagawa ng humanitarian outreach activities, mula August 14 hanggang August 20, ang tanggapan sa Bangsamoro parliament ng physician-ophthalmologist na si Sinolinding, ang mga kawani ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at si BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua sa mga bayan ng Ligawasan, Malidegao at Old Kaabacan.
Ang regional lawmaker na si Sinolinding ay nanunungkulan din bilang BARMM health minister maliban sa kanyang pagiging kasapi ng 80-seat Bangsamoro parliament.
Kabilang sa mga nagpasalamat kina Sinolinding at Macacua sa kanilang ginawang medical missions ang mayor ng Ligawasan na si Ismael Mama at mga barangay officials sa kanilang bayan.
Ang mga bagong tatag na Bangsamoro municipalities na Ligasawan, Malidegao at Old Kaabacan ay sakop ng BARMM government, ngunit nasa teritoryo ng probinsya ng Cotabato na isa sa mga probinsya ng Region 12.
Ayon kay Sinolinding, masigasig ang suporta ni Macacua at ng mga kawani ng MoH-BARMM sa mga humanitarian missions nila sa walong mga bayan ng Bangsamoro region na nasa Special Geographic Area nito sa probinsya ng Cotabato. (August 21, 2025, Special Geographic Area, Bangsamoro Region)