Wala ng buhay ng matagpuan ang dalawang sundalong kasapi ng isang unit ng 6th Infantry Division na parehong nawala ng biglang lumubog ang kanilang maliit na scout boat sa Butalo River sa Barangay Butalo sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur nitong umaga ng Biyernes, May 2, 2025.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng commander ng 6th ID, si Major Gen. Donald Gumiran, at ng mga opisyal ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, unang natagpuan nitong Sabado ang bangkay ng nalunod na si Private 1st First Class Manuel Bermudez ng mga Army at civilian rescuers.

Natagpuan naman ng ng mga residente ng Barangay Butalo ang bangkay ni Cpl. Dennis Abrea bandang takipsilim nitong Sabado.

Nagpaabot na ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga sundalong aksidenteng nalunod ang pamunuan ng 6th ID. Tutulong ang 6th ID sa pagpapalibing sa kanila. (May 5, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *