Dalawang residente, isa sa kanila tatlong-taong gulang na bata, ang sugatan ng paputukan ng mga armadong kalalakihan ng 40 millimeter grenade projectiles ang isang lugar sa Barangay Mother Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Sabado, June 21, 2025.

Ayon sa mga saksi, agad na tumakas ang mga lalaking nagpakawala ng mga grenade projectile mula sa malayo gamit ang mga M79 launcher at M203 rifle.

Nabutas ang yerong atip ng ilang mga bahay na binagsakan ng 40 MM grenade projectiles, ayon sa mga municipal officials at mga barangay leaders sa Shariff Aguak.

Ilang beses ng ginulo ang Shariff Aguak ng mga armadong mga kakampi diumano ng mga kandidato para sa mga local positions na tinalo ng mga local executives na na-reelect sa kanilang mga puwesto nitong May 12 elections.

Isang pangkat ng mga sundalo at mga pulis ang aga na nagsiyasat sa mga lugar na binagsakan ng mga 40 MM grenades kaugnay ng inisyatibo ng municipal government ng Shariff Aguak na makilala ang mga responsable sa naturang panggugulo upang masampahan ng mga kaukulang kaso. (June 22, 2025)