GENERAL SANTOS CITY (August 23, 2025) — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo na biktima ng ambush ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Dima sa Barangay Paatan sa Kabacan, Cotabato nitong gabi ng Biyernes, August 22, 2025.

Ayon sa mga local officials at mga imbestigador mula sa Kabacan Municipal Police Station, ang mga napaslang na sina Ali Bulilo at Abdulsatar Ulangkaya ay mga residente ng Barangay Dungguan sa hindi kalayuang bayan ng Mlang, Cotabato.

Magkaangkas sa kulay blue na motorsiklo sina Bulilo at Ulangkaya, patungo sa kung saan, ng harangin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa isang bahagi ng highway sa Sitio Dima sa Barangay Paatan at agad na pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga nag-ambush kina Bulilo at Ulangkaya, iniwang nakahandusay ang dalawang, duguan, wala ng mga buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *