Nahaharap na sa kaukulang kaso ang dalawang dealers ng shabu na nalambat sa Purok Lower Cadidang sa Barangay San Jose sa Koronadal City nitong Martes.
Iniulat nitong Huwebes ng local executives sa Koronadal City at ng Police Regional Office-12 na nakakulong na ang suspects na sina Oliver Domondon Mayo at ang kanyang babaeng kakutsaba sa pagbebenta ng shabu na si Ariane Octaviano Fernandez.
Sila ay agad na inaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Koronadal City Police Office at ng South Cotabato Provincial Police Office na kanilang nabentahan ng P34,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Purok Cadidang sa Barangay San Jose.
Sa ulat ni Police Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng PRO-BAR, naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga residente ng Barangay San Jose na siyang nagsuplong sa mga opisyal ng Koronadal City police force ng pagbebenta nila Mayo at Fernandez ng shabu sa lungsod. (July 25, 2025)