Home » 15 barangay sa Lanao del Sur, may parangal sa proyekto

15 barangay sa Lanao del Sur, may parangal sa proyekto

BINIGYANG pagkilala ng Provincial Government of Lanao del Sur ang 15 piling barangay ng lalawigan na nagpakita ng kahusayan sa serbisyo at pamamahala.

Ang barangay governments ng naturang 15 na mga barangay sa Lanao del Sur ay kinilalang mga “performing barangay governments” ng
Building Opportunities for a Meaningful Bangsamoro Inclusive Town, o BOMBIT program, ng administrasyon ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr.

Ang bawat isa sa 15 na mga barangay na tumanggap nito lang nakalipas na lingo ng BOMBIT Award 2024 ay nabigyan din ng P1.5 million na halaga ng proyekto.

Ito ay kinabibilangan ng mga baragays Langi Talub (Masiu), Uya-an Proper (Madamba), Mapantao (Lumba Bayabao), Sundig (Butig), Singcara (Lumbayanague), Extension (Wao), Bangon Poblacion (Pagayawan), Dimagalin (Kapai), Madaya (Maguing), Eastern (Wao), Balut-Madiar (Tamparan), Dibarosan (Madalum), Lilod (Buadipuso Buntong), Mangayao (Taraka), at Bubong Guilopa (Mulondo).

Sinimulan ang naturang inisyatiba noong 2019 sa layuning matiyak na ang bawat Barangay ay nagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang nasasakupan.

Ito na ang ikatlong BOMBIT program kung saan nagsimula ito sa anim na Barangay noong 2019, sinundan ito ng sampung Barangay noong 2023, at umakyat ito sa 15 Barangay ngayong 2024.

Nagpapakita ito na dumarami na ang barangay na may maayos na pamamahala at pagpapatupad ng programa at serbisyo sa mamamayan.

Ang bawat Barangay ay dumaan sa masusing assessment ng Provincial Information Office, Provincial Environment and Natural Resources Office, Provincial Planning and Development Office at Provincial engineering office.

Umaasa si Adiong na magsilbing inspirasyon ang naturang programa para sa iba pang barangay ng lalawigan. (February 12, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *