Ito ay ayon sa mga pinagsamang mga ulat na nakalap mula sa field mismo ni Doctor Allen Minalang, chief ng Integrated Provincial Health Office-Lanao del Sur, nitong gabi ng Lunes, matapos ang elections sa buong probinsya.

Ayon kay Doctor Minalang kabilang sa mga nabigyan ng attention ang maraming tumaas ang blood pressure, may nahilo, sumakit ang ulo at may ilang mga nasaktan sa mga vehicular accidents.

Marami sa mga pasyente ang sumama ang pakiramdam dahil sa init ng panahon at sa tensyon sa ilang mga polling centers.

May 14 na mga botante, may mga sakit sa puso at iba pang mga maselang karamdaman, ang kailangan ng mas extensive na medical attention, ayon kay Doctor Minalang.

May naitalang apat na pumanaw nitong araw ng elections sa Lanao del Sur dahil sa mga karamdaman at dalawang nasawi sa insidente ng pamamaril, may kinalaman sa pulitika, sa bayan ng Bayang sa probinsya. Lahat sila nabigyan ng atensyon ng mga health workers mula sa IPHO-Lanao del Sur.

Ayon kay Minalang, ang kanilang emergency response teams na ikinalat sa 39 municipalities ng Lanao del Sur at sa kabisera nitong Marawi City nitong election day, May 12, ay sinuportahan ng mga local government units.

Nagpasalamat nitong umaga ng Martes, May 13, 2025, si Bangsamoro Health Minister Kadil Sinolinding, Jr. na isa ring manggagamot, kay Doctor Minalang at kanyang mga kasama sa IPHO-Lanao del Sur sa kanilang pag-organisa ng isang malawakang emergency response operations sa buong probinsya nitong nitong, araw ng halalan sa buong bansa. (May 13, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *