Nakumpiskahan ng P3.8 million na halaga ng shabu ang isang dealer na nalambat ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City nitong Martes, May 20, 2025.

Sa ulat ng Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag ang 41-anyos na suspect ng arestuhin ng kanilang mga agents at mga pulis na kanyang nabentahan ng kalahating kilong shabu sa isang entrapment operation sa gilid ng Al-Sallam Street sa Barangay Rosary Heights 3.

Ayon kay Castro, naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng director ng Cotabato City police na si Col. Jibin Bongcayao, ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz na siyang director ng Bangsamoro regional police at ng Maguindanao Police Maritime Unit.

Kakasuhan ng paglabag ang nasakoteng suspect ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gamit ng kalahating kilong shabu na nasamsam mula sa kanya bilang ebidensya. (May 21, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *