Bigla na lang nangisay ang isang driver ng tangkain nitong hawiin ang mga kawad ng kuryenteng nakalaylay sa kalye mula sa mga poste na sumabit sa kanyang minamanehong cement mixer truck sa Barangay Balogo sa Pigcawayan, Cotabato nitong umaga ng Martes, June 24, 2025.
Agad namang isinugod ng mga emergency responders ang nakuryenteng driver sa isang hospital upang malapatan ng lunas. Wala pang kumpletong ulat hinggil sa kanyang kalagayan. (June 24, 2025)
