Pormal ng naihain sa Bangsamoro regional parliament ang isang panukalang bigyan ng kaukulang monetary benefits ang mga barangay at Sangguniang Kabataan officials sa autonomous region na nasawi o nagka-physical disability kaugnay ng kanilang pagpapatupad ng tungkulin, o karamdaman habang nanunungkulan.

Ilang mga kasapi na ng parliament sa autonomous region ang agad na nagpahayag ng suporta sa panukala ng kanilang kasamang abugadong si Naguib Sinarimbo, ang may akda ng Barangay Officials Death and Disability Benefit Act of 2025, o Bangsamoro Transition Authority Bill 379.

Pormal ng naihain ang naturang panukala nitong Martes, July 22, 2025, sa 80-member regional lawmaking body sa kapitolyo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City, magiging pinakauna sa buong bansa kung maipapasa BARMM parliament.

Iminungkahi ni Member of Parliament (MP) Sinarimbo sa naturang panukala ang mula P500,000 hangang P1 million na death benefits para sa mga barangay at SK officials mula sa BARMM government kung sakaling bibigyan ng basbas ng regional lawmaking body na pinamumunuan ni Chief Minister Abdulrauf Macacua.

Ang BTA Bill 379 ay masusing binalangkas nila MP Sinarimbo, dating local government minister ng regional government, at ng research at legal teams ng kanyang tanggapan sa parliament, masusing pinag-aralan at may mga detayeng hango sa mga consultations sa local communities.

Sa naturang panukala, magtutulungan ang Al-Amanah Islamic Bank at Pru Life UK na isang transnational life insurance outfit, sa pamamahala ng death at disability benefits para sa mga barangay at SK officials.

Ang konsepto ng naturang panukala ay ang BARMM government ang siyang maglalaan ng pondo para sa mga benepisyo para sa mga yumao at mga nagka-physical disability na mga barangay at Sangguniang Kabataan officials habang ang Al-Amanah Islamic Bank at ang may magandang reputasyon na Pru Life UK naman ang magpapatupad nito bilang isang regionwide program. (July 23, 2025, Cotabato City)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *