Isang dating jail officer ang naaresto at agad na nakulong matapos magbenta ng 53 gramo na shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis sa Barangay Ajong sa Sibuluan, Negros Oriental nitong hapon ng Sabado, June 7, 2025.

Agad na pinosasan ng mga pulis ang suspect, dating jail officer sa isang prison facility, matapos silang bentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok 5 sa Barangay Ajong sa bayan ng Sibulan.

Nakapiit na sa detention facility ng Sibulan Municipal Police Station ang suspect. (June 8, 2025, handout police photo)