Dalawang bangkay ng mga lalaki ang natagpuan nitong Martes, June 17, 2025, sa Barangay Tulunan, sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.

Inaalam pa ng mga police investigators kung sino ang mga natagpuang dalawang mga patay, may mga tama ng bala sa katawan.

Malinaw na sila ay mula sa kung saan, pinaslang at itinapon lang sa Barangay Tulunan, ayon sa mga imbestigador ng Datu Anggal Midtimbang Municipal Police Station.

Nagtutulungan ang mga local officials sa Datu Anggal Midtimbang at ang mga imbestigador ng kanilang municipal police force sa pagkilala sa mga natagpuang mga patay sa Barangay Tulunan. (June 17, 2025)