Dalawang mga elementary pupils ang inanod ng tubig baha sa mga ilog at tuluyan ng nalunod sa mga hiwalay na insidente sa Basilan.

Unang naiulat ng mga kinauukulan sa Basilan ang pagkalunod ng isang batang lalaking Yakan na inanod ng rumaragasang baha sa Tumahubong River sa Sapah Bulak sa Barangay Tumahubong sa Sumisip, Basilan nitong araw Huwebes.

Naliligo ang biktima at dalawa pang mga kasama sa ilog malapit sa Tumahubong Bridge ng biglang tumaas ang level ng tubig na umaagos dito at tuluyang tinangay na ang isa sa kanila at nawala.

Natagpuan ang bangkay ng batang inanod ng tubig baha matapos ang ilang oras na search operation ng mga lokal na kinauukulan.

Isang batang babae Yakan naman ang nalunod din nitong Biyernes sa isang ilog sa Barangay Malinis sa Lamitan City sa Basilan nitong Biyernes, ayon sa Lamitan City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Naglalako ng pritong mani ang batang babaeng biktima, kasama ang dalawa pang mga kaedad nito. Sila ay tatawid sana sa mababaw na bahagi ng ilog sa Barangay Malinis ng biglang lumakas ang agus ng tubig baha dito kaya siya ay naanod at nawala na.

Kasalukyang nagsasagawa pa ng search operation ang Lamitan City local government unit upang mahanap ang nalunod na batang babae. (June 7, 2025)