Hindi na nailigtas ng mga doctor ang isang 19-anyos na dalaga na agad na nanghina at nawalan ng malay matapos makagat ng isang malaking bubuyog sa kanilang lugar sa Barangay Tamban sa Malungon, Sarangani nitong Biyernes, June 20, 2025.

Sa ulat nitong Linggo ng mga local executives at ng mga kawani ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, maselang allergic reaction ang dahilan kaya nanghina, nahirapang humingi at tuluyan ng namatay ang 19-anyos na si Krizel Abayon sanhi ng kagat ng bubuyog sa kanyang nuo.

Matagal ng allergic sa kagat ng mga insekto ang biktima, ayon sa kanyang mga magulang at mga kakilala.

Binigyan pa ito ng kanyang ina ng isang anti-allergy tablet matapos makagat ng malaking bubuyog sa kanilang bakuran ngunit hindi na naagapan ang kanyang panghihina at nawalan na ng malay kalaunan.

Ayon sa mga barangay officials sa Tamban sa bayan ng Malungon, hindi na umabot ng buhay si Abayon sa pagamutan kung saan siya isinugod ng kanyang mga magulang upang malapatan sana ng lunas. (June 22, 2025)