Hiniling ni Cotabato Gov. Emmylou Mendoza sa mga mga opisyales ng mga government at private schools sa kanyang probinsya na tutukan ang kaligtasan sa mga aksidente ng mga estudyanteng ang mga silid-aralan ay nasa mga mataas na mga gusali.
Ito ay kasunod ng pagkasawi ng 13-anyos na si John Lloyd Bedua sanhi ng aksidenteng pagkahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Kidapawan City National High School (KCNHS) sa Kidapawan City nitong umaga ng Biyernes, February 7, 2025.
Nagpahayag na ng kanyang pakikiramay si Gov. Mendoza sa pamilya ng nasawing Grade 8 student ng KCNHS kasabay ng kanyang paghikayat sa mga administrators ng lahat ng private and government schools sa Cotabato na magpatupad ng komprehensibong safety measures para matiyak ang kaligtasan sa among aksidente, o kapahamakan, ng mga grade school pupils, mga high school at college students sa loob ng mga school campuses sa Kidapawan City at sa 17 na mga bayan sa probinsya.
Sa kanyang pahayag nitong Linggo, February 9, iminungkahi ni Gov. Mendoza na magtulungan ang mga engineers ng mga local government units na sakop niya, ang mga school administrators at mga bihasa sa Bureau of Fire Protection sa pagpapalaganap ng school campus accident prevention awareness sa mga mag-aaral sa probinsya. — February 9, 2025