Itinalaga ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines na commander ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City si Major Gen. Donald Gumiran ng 6th Infantry Division na sakop ang Central Mindanao.

Si Gumiran ang siya ring commander ng anti-terror Joint Task Force Central habang siya ang commander ng 6th ID.

Effective October 6, 2025 ang designation ni Gumiran bilang WestMinCom commander na ang headquarters ay nasa Calarian sa Zamboanga City.

Naka-kolekta ang 6th ID ng 986 na hindi dokumentado na mga assault rifles, machineguns, mortars, B40 anti-tank at 40 millimeter grenade launchers na isinuko ng mga residente ng Central Mindanao nito lang nakalipas na ilang buwan, habang si Gumiran ang 6th ID commander.

Sa tala, 598 na mga kasapi ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa iba’t-ibang mga units ng 6th ID sa panahon ng panunungkulan ni Gumiran bilang pinakamataas na opisyal ng division.

Ang headquarters ng 6th ID ay nasa Camp Siongco sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. (October 11, 2025, Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte)