Home » Comelec handa na sa BARMM elections

Comelec handa na sa BARMM elections

Handa na ang Commission on Elections sa kauna-unahang October 13, 2025 parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nagpulong nitong Miyerkules, June 25, sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang mga kinatawan ng Commission on Elections, sa pangunguna ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, sina Brig. Gen. Jaysen De Guzman ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ang deputy commander ng 6th infantry Division, si Army Brig. Gen. Patricio Ruben Amata at nagkasundo silang magtulungan para sa seguridad ng naturang electoral exercise.

Sa naturang election preparation conference, tiniyak sa mga Comelec officials nila De Guzman, Amata, Brig. Gen. Ricky Bunayog ng 602nd Infantry Brigade at ni Brig. Edgar Catu ng 601st Infantry Brigade at ng mga opisyal ng 1st Marine Brigade ang kanilang security support para sa mga kawani ng Comelec na may direktang partisipasyon sa October 13, 2025 election activities.

Dumalo din sa naturang pagpupulong ang regional director ng Comelec sa BARMM, si Ray Sumalipao at ang kanyang mga subordinate-provincial election officials sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Basilan, Lanao del Sur at Tawi-Tawi.

Ayon kay Garcia, ginagawa na nila ang mga extensibong preparasyon para sa pinakaunang parliamentary elections sa BARMM, itinatag noong February 2019, resulta ng peace talks ng Malacañang at ng Moro Islamic Liberation Front. Napalitan ng BARMM na mas malawak ang administrative powers ang noon ay 27-taon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. (June 26, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *