
Sa kulungan ang bagsak ng isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit matapos magbenta ng P3.4 million ng halaga ng shabu sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang entrapment operation sa Tamparan, Lanao del Sur nitong Martes, September 2, 2024.
Kinumpirma nitong Miyerkules in Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang CAFGU member na si Alonto Calauto Pampa, nalambat sa Barangay Talub sa Tamparan sa tulong ng tanggapan ni Gov. Mamintal Adiong, Jr. at ng ibat-ibang unit ng Lanao del Sur Provincial Police Office.
Kusang loob na nagpaaresto si Pampa ng mahalatang mga mga anti-narcotics agents ang kanyang nabenhatan ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Talub.
Ayon kay Castro, maliban sa shabu, nakunan din ng isang .45 caliber pistol si Pampa ng mga PDEA-BARMM agents at mga magkasanib na mga kasapi ng Tamparan Municipal Police Station at ng Lanao del Sur Provincial Police Office.
Tumulong din sa entrapment operation na nagresulta sa pagka-aresto ni Pampa ang 3rd at 7th Scout Ranger Companies ng Philippine Army na naka-base sa Tamparan at ilang mga bayan sa Lanao del Sur. (Sept. 4, 2024, contributed report, with photo, JFU)