Home » Byaheng ligtas at maayos ngayong Eid’l Adha

Byaheng ligtas at maayos ngayong Eid’l Adha

Nag-serbisyo publiko ang mga kawani ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (BLTFRB) nitong araw ng Eid’l Adha upang matiyak na ligtas at maayos ang kalagayan ng mga biyahero ngayong Eid’l Adha Holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa direktiba ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago, inalalayan at pinaalalahanang maging maingat sa pagbiyahe ang mga biyahero ng mga kawani ng BLTFRB na naglibot sa mga terminals, nag-abang sa mga highways at inalam pa ang kondisyon ng mga passenger vehicles na nagbibyahe sa mga highways sa BARMM upang maiwasan ang disgrasya ilang araw bago nag Eid’l Adha at sa mismong sa araw ng pag-gunita nito ngayon Biyernes, June 6, 2025.

Isa ng tradisyon para sa mga kawani ng BLTFRB at ng Bangsamoro Land Transportation Office ang pagsasagawa ng ganitong public service activity tuwing may mga mahalagang holidays sa Bangsamoro region, ipinapatupad sa magkatuwang na pamumuno ni Minister Tago ng Ministry of Transportation and Communications-BARMM at ng mga opisyales ng naturang dalawang ahensiya.

Umani ng papuri sa mga biyahero ang serbisyo publiko ng BLTFRB, ilan sa kanila mga netizens na nag-post pa sa kanilang Facebook ng mga positibong komentaryo kaugnay ng naturang inisyatibo. (June 6, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *