Isang broadcaster na endorser din ng mga health products ang napatay ng isang gunman sa Barangay Lagao sa General Santos City nitong umaga ng Lunes, June 23, 2025.

Ang napaslang na si Ali Jejon Macalintal, kasapi ng LGBTQ community, ay naging part-time broadcaster at news contributor ng mga radio stations sa General Santos City sa Region 12.

Sa inisyal na ulat ng General Santos City Police Station, siya ay nasa loob ng Delmont Spa, na isa ding physical therapy at health clinic sa Barangay Lagao sa General Santos City ng pasukin ng isang salarin at papatukan ng pistol ng ilang beses.

Mabilis na nakatakas ang bumaril kay Macalintal na nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at tiyan at nadeklarang dead on arrival sa isang pagamutan kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas. (June 23, 2025, handout photos)