Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa tapat ng bakuran sa Buluan, Maguindanao del Sur ng kandidato ng United Bangsamoro Justice Party sa pagka-vice governor ng probinsya, si Ustadz Hisham Nando, nitong gabi Linggo, May 4, 2025.

Ang United Bangsamoro Justice Party ay regional party sa Bangsamoro region ng Moro Islamic Liberation Front.

Ang Buluan ang siyang kabisera ng Maguindanao del Sur. Ang kapitolyo ng Maguindanao del Sur ay nasa isang lugar sa gilid ng Tacurong-Mlang Highway sa naturang bayan.

Una ng magkasabay na pinasabugan ng mga granada ang compound ng municipal government ng Buluan at ang kalye sa tapat nito mahigit isang linggo pa lang ang nakakalipas.

Ayon sa mga imbestigador ng polisya at ng opisyal ng Army units sa Maguindanao del Sur, may indikasyon na 40 millimeter grenade projectiles ang ginamit sa pambobomba ng bakuran ni UBJP Maguindanao del Sur gubernatorial candidate Nando. (May 5, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *